profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Ano na ang aking susunod na kapalaran?
Friday, August 21, 2009 @ 5:58 PM
Sa totoo lang, hindi ko lubos na maramdaman na magugustuhan ko ang adviser ngayon. Hindi ba nga't nabanggit ko sa post ko noong nakaraan, "hindi ko siya gusto".

Sino ba siya? Adviser ko nga eh. Ayoko ng sabihin kung ano ang ngalan niya at kung ano ang katauhan niya. Siguro konting deskripsyon na lang: kulot siya, may braces, at maaaring mahilig sa green (halata kasi eh >.>). Matagal ko na siyang kilala, yun nga lang, sa pangalan at mukha lang. Nakilala ko dahil adviser siya ng Ate ng best friend ko noong 2nd Year. Matagal ko na ding napapansin na mataray siya at parang hindi ko siya magugustuhan bilang guro. Pinangarap ko pa nga na hindi ko siya magiging guro eh, sa totoo lang, hindi ko siya ninais bilang adviser at Math teacher ko sa huling taon ko sa PCC.

Sa hindi nga lang inaasahang pangyayari, siya ang naging adviser ko. Ay, aba, 3rd section ba naman ako nilagay ni Sir Soria eh. Ang pangatlong section ng buong Fourth Year na parang hindi naman talaga pangatlo. Noong una, medyo maayos naman ang turing ko sa kanya, pero nandun pa rin yung "hate" ko sa kanya simula noong hindi ko pa siya guro. Pero pagkatapos ng eksam, naramdaman ko na talaga ang nararamdaman ko ngayon. Na ayoko talaga sa kanya. Ipa-compute ba naman sa amin ang aming mga marka at parang ikinahihiya pa niya ang mga mababa noong palitan niya ang aming seating arrangements. Oo na, sabihin na lang natin na gusto niya kaming sabihan, pero, parang hindi naman kami sinasabihan eh. Pinapagalitan kami. Kasalanan ba naming hindi namin siya naiintindihan dahil mabilis siyang magturo at parang galit pa siya minsan. Kasalanan ba naming mga mahihina na mahina ang aming mga utak sa Math na sa simula't simula pa lamang ayoko na (except sa Geometry). At kasalan ba namin ang mga nararamdaman niya sa buhay niya.

Labels: ,

I'm Sorry, Dear Blog.
Sunday, August 16, 2009 @ 4:13 PM
Dear Blog,

Alam ko na matagal mo na akong "sinasabihan" na mag-post ng isang pangyayari dito. Pero sa totoo lang, hindi ko siya magawa. Hindi ko magawa kasi nakakatamad, nakakaantok, at...nakakatamad (inulit ko lang. :P).

Hindi ko din magawa kasi nahihiya ako. Nahihiya? Bakit? Nahihiya kasi parang nawawala na ang gana kong maglahad ng saloobin ko. Sa dinami-dami ng problema o rason na maiibigay ko sa iyo, 'yun lang ang aking sagot.

Ilang araw bago nito, "pinaramdam" ng adviser slash Mathematics teacher namin ang magiging marka namin sa unang bahagi ng school year. Sa totoo lang, todo yung pagbigay niya ng "pasakit" sa amin eh. O siguro hindi naman lahat kami, pero karamihan sa amin, naramdaman iyon. Pasakit kasi masyado niyang ipinapakita na mababa kami sa unang bahagi. Oo, isa ako sa mga mababa...bagsak sa totoo lang. Nahihirapan akong intindihan siya. Minsan, madali siyang intindihin, minsan naman masyado siya mabilis at minsan din naman, nakakalito ang mga tinuturo niya. Sa totoo lang, dapat hindi ko ito sinasabi dahil nahihiya akong sabihing bagsak ako sa Math ngayong 4th Year na ako. Kaya nung sinabi ko ito sa aking nanay, bigla na lang bumuhos ang aking mga luha at inilahad ko sa kanya na gustong kong magpa-tutor. Hindi sa !@#$ na gurong iyon kundi sa iba o kakilala niyang makakatulong sa akin. Ilang minuto ang nakalipas nang kami ay nasa isang tutorial center na. Sa mababang lebel ako nagsisimula ngayon, at may additional tutorial ng mga kasalukuyang tinuturo sa amin.

Minsan lang akong magsabi ng masama tungkol sa guro ko. Dahil, ayoko talagang sabihin na hindi sila "karapat-dapat" na nagtuturo sa amin o sa akin. Ayoko ding magsabi ng masama dahil baka bigyan pa ako ng mas malalang marka sa susunod. Kaya nga nagpapa-tutorial ako, hindi ba? Para matuto ng mas maayos at para na rin makakuha ng mas mataas na marka.

Sa ngayon, lumuluha ang langit. Lumuluha siguro kasi karamay niya ako sa nadadama ko ngayon. Pero alam ko, na may tatlo pa akong pagkakataon, para ituwid ang aking sarili at para makaakyat ako sa entablado at para makuha ang aking kauna-unahang tropeyo sa High School - ang diploma.

Salamat muli Blog sa walang tigil na pagpapagaan ng aking damdamin, kahit na ganito, susulatan pa rin kita. Magulo lang kasi ang amo mo eh. :P

Ang Bayaning Torpe. Teka, parang ang layo ng kahulugan ng Tagalog na bersyon sa akin nito ah :))

Labels: ,

How much is really an Application Form?
Monday, August 10, 2009 @ 6:31 PM
I have submitted the following application forms to:

UP (Php 500 - Since it was Batch Processed)
ADMU (Php 500)

Mom will only be submitting the following forms to:

DLSU (It's a whopping Php 600)
Mapua (Php 550 - The testing site is in our school :P)
FEU (Php 450)
UE (Either Php 450 or Php 500)
UST (Either Php 450 or Php 500)

So, let's add them up. My mom and I will spend a total of:

(around) Php 3500

WOW. O_O

I can already buy a new PSP game or Mini iPod on that. DX
August 1, 2009
Sunday, August 02, 2009 @ 1:24 PM
Inspired by Ate Igal's My UPCAT Story.

Sa totoo lang, pangatlong bersyon na ito ng UPCAT story ko. Wala kasi ako sa mood, pero gusto ko talagang ipakita sa inyo kung ano ang nangyari sa test ko. Wala lang, bakit, gusto ko eh. :))

Kahapon, Ika-1 ng Agosto, ay ang araw ng UPCAT ko. Panghapon na sesyon. Hindi siya mainit dahil nga umuulan (na nakairita din sa akin dahil malakas at maingay ang mga patak nito). Bago magsimula, sa harap ng NCPAG kami tumayo at naghintay ni Mama. Isang oras ang lumipas nang magsalita ang isang UPCAT Security (kung ano man ang talagang tawag sa posisyon niya). Yun nga lang, hindi naintindihan ang kanyang sinasabi dahil paputol-putol ang pananalita niya. Pano ba naman, gumamit pa siya ng megaphone na sira at luma (kaawa-awang UP). Pwede naman kasing gamitin na lang ang kanyang boses, diba? So, ayun na nga, dahil walang ibang paraan, ginamit na lang niya ang boses niya. Nakalimutan ko na kung ano yung sinabi niya basta't maya-maya na lang eh nakapila na kaming mga examinees ng maayos. Pinahintay pa nila ulit kami ng 30 minuto bago kami maka-upo sa silid-aralan.

Sa wakas, dumating na din ang oras ng pakay ko sa araw na iyon, ang UPCAT. Matagal-tagal nga pala muna bago magsimula ang mismong test dahil binigay muna ang mga test instruction. Sa totoo lang, hindi ako masyado nakinig at sinagutan na lamang ang information page (?).

Ang unang bahagi ng exam ay ang Language Comprehension. Madali siya, pero nalito ako sapagkat under time pressure kami. Kaya't ang mga naiwan kong blanko, eh kung anu-ano na lang ang initiman ko na oblong pagkatapos. Sumunod ay Science na sobrang nakakalito. Sa totoo lang, ang ibang tanong, hindi naibigay sa amin nung Second Year sa Biology. Tapos, yung mga inaral ko bago mag-UPCAT (hindi yung sa review), wala din dun. Sayang naman ang effort ko sa pagkaka-memorize ng mga tao sa Biology. Tsk. Pangatlo ay ang Mathematics na kusa ko na lang inanalyze ang mga tanong. Tapos, yung inaakala ko na nasa UPCAT na mga tanong, wala! Kaya nabwisit ako. At ang panghuli, Reading Comprehension. Hindi naman ako masyado nahirapan kasi nga, reading lang naman at 'yon. :))

Kung mapalad na makapasa, talagang destino ko'y sa UP. Pero kung hindi, alam kong madami pang pagkakataon na ibibigay ng Diyos sa akin. At kahit na din hindi makapasa, alam ko, ang UPCAT ay isang pagkakataon lamang sa buong buhay ko. Kahit na test lang yun, napakalaking bagay na din na ako'y nag-"try" sa Unibersidad ng Pilipinas.

Labels:

Maraming Salamat, Cory.
Saturday, August 01, 2009 @ 7:44 AM
This is just a simple way of my gratitude to one of the greatest leaders our country has ever had.

I may not be born yet when she was a president of the Philippines. I didn't care much of her too during my Elementary and early High School years. For many years of schooling, it was only now that I've realized that the former president Corazon Aquino led our country to be free again.

Maraming salamat, Cory. That's just all I can say. May God lead you to His Kingdom and may you be reunited with your late husband, former senator Benigno Aquino, Jr.



Picture courtesy of: Pinoywired.com