profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Ako at Ang Oblasyon
Sunday, July 26, 2009 @ 11:58 AM
Kahapon, pagkatapos na pagkatapos ng NCAE Review sa aking paaralan na Pasig Catholic College, ako at ang aking ina ay pumunta ng UP Diliman upang makita kung saan ako kukuha ng UPCAT.

Masaya, syempre, at nakatapak na din ako sa pinakapopular na unibersidad sa Pilipinas. Kahit na alam kong nakakadaan na kami doon dati, ni hindi ako nakababa at nakatapak man lang sa kahit na isang semento sa UP. Noong una, kinakabahan ako kasi baka maligaw at dumoble pa ang bayad namin sa taksi sa kakahanap kung nasaan ang NCPAG (ang lugar kung saan ako magte-test). Pero, diretso lang pala sa University Avenue at kakaliwa lang sa gitna ng daan na 'yun, nandun na pala ang testing site ko. Ng marating ko 'yun, gusto ko sanang tignan ang loob ng building. Pero, di ko ata na-kaya ang kaba kaya diretso na lang kami ni Mama sa harap ng Quezon Hall na nilakad pa namin ng kaunti.

Nang marating na namin ang Oblation, sa wakas, may litrato na rin ako na kasama ang lalaking nakahubad. Feeling ko tuloy, sa pagkakataong iyon, na parang sa UP na din ako nag-aaral (kahit alam kong Ateneo ang mas gusto ko, gusto ko pa ring makapasa doon :P).

Sa pagkakataong din iyon, nasabi ko sa sarili ko na kaya kong ipasa ang UPCAT. Kahit alam kong nababanas pa rin ako sa Mathematics at mahina pa rin akong mag-solve ng Algebra, Statistics, at konting Trigonometry, alam ko na kahit paano, malalagpasan ko ang mga problemang ito. Basta't SANA LANG, kahit isang araw man lang, walang assignment na ibibigay sa amin at ako'y makakapag-review ng maayos at ng may sense na pag-aaral.













Pagsusulat.
Saturday, July 18, 2009 @ 2:49 PM
Ang Ikalawang Serye, Pagsusulat.

Sa wakas, nakahanap na din ako ng maikling panahon upang i-update ang nagmamakaawang blog na ito.

Mga tatlong taon mahigit na akong nag-bloblog. Kahit na sabihin na nating tatlong taon, alam kong merong mga pagkakataon na hindi ko ito pinapansin. Yung hindi ko siya nai-update ng isang buwan o higit pa. Pero, hanggang ngayon, buhay pa naman ang blog ko. Dahil, nandito lahat, o halos lahat, ng gusto kong ilagay. Katulad na lamang ng mga bagay na hindi ko dapat kalimutan at ang aking mga emosyon sa partikular na bagay o panahon.

Hindi ko din matandaan kung bakit ba ako nagsimulang mag-blog. Ang alam ko lang, noong mga panahon na iyon, biglang na-uso ang mga "blog" sa mga KHQers. Kahit na hindi lahat meron, basta, madaming merong blog noon. At dahil dun, ginusto ko na ding magkaroon. Yung unang blog post ko ay tungkol sa pagka-alis ng Daddy ko papuntang Saudi dahil natapos na ang bakasyon na dito. O diba, tatlong taon na 'yun pero naaalala ko pa. At siguro na ginusto kong magkaroon para mapasaya naman ako, mabasa ang mga nakaraan at ihaintulad sa kasalukuyan. Parang ganun lang naman.

Sa ngayon, binabasa ko ang Unang Ulan ng Mayo ni Ellen Sicat. At dahil hindi ko pa siya natatapos (isang linggo ko na siyang nabili pero nasa page 60 pa lang ako :P), ang naiintindihan ko pa lang eh mahilig magsulat ang nag-nanarrate ng kwento. Hanggang ngayon, konti pa lang ang naiintindihan ko sa kwento, pero sana maintindihan ko siya pagkatapos. Ay, aba, dapat lang talaga, dahil project namin yun sa Filipino. Ang magbasa ng nobela at i-buod siya (sabihin mo ng grabe ang school namin, GRABE TALAGA SILA XD). At dahil sa kwentong iyon, naisip ko na pagsusulat ang tema ng post na ito. Hindi lamang dahil mahilig akong magsulat ng mga kwento kundi dahil ito din naman ang ginagawa ko ngayon sa blog na ito, ang "magsulat" ng karanasan. Teka, parehas lang ata 'yun ah. :))

Labels:

Pagbabago.
Friday, July 10, 2009 @ 4:09 PM
Bago magsimula ang Buwan ng Wika, plinano kong gumawa ng serye ng mga blog post na may pagkakatulad dito. Kung ano man yung pagkakatulad na iyon, wag ko na lang muna sasabihin :))

Sisimulan ko muna ang serye na ito sa salitang Pagbabago o sa madaling salita BAGO.

PAGBABAGO. Sabi nga nila, ang pagbabago ay nagsisimula sa tao mismo at hindi sa lipunan. Sa totoo lang, napakahirap simulan ang pagbabago sa sarili. Gaya ko, nahihirapan akong baguhin ang aking sarili tungo sa asignaturang Matematiks dahil pakiramdam ko, hindi ako nadadalian sa mga binibigay na lektyur sa amin ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero talagang mahirap. Noong Huwebes (wala kaming pasok kahapon - Personnel's Day), may binigay na takdang aralin sa amin pero hanggang sa ngayon, wala akong ganang sagutin ito. Bakit? Simple, nawawalan ako ng gana kapag sinasagutan ko siya. Kanina nga, gusto kong gawin at tapusin, pero nung ginagawa ko na siya, nawawala ang pokus at nawawala din ang gana ko para gawin ito.

Sa totoo lang, gusto ko sanang humingi ng payo sa aking adviser na ngayo'y Math teacher ko din. Pero, may bagay na nagpipilit sa akin na hindi ko dapat iyon gawin. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talagang makipag-usap sa kanya. Siguro sa tagong pakiki-usap o kung ano mang paraan na hindi ako makikipag-usap sa kanya ng harapan. Kung ano man yung paraan na iyon, sana, sana man lang, magawa ko.

At dahil sa problema ko sa Matematiks at sa pakikipag-usap sa aking guro, nais ko sanang magbago. Hindi lang sa pag-aaral kundi sa pakikitungo sa ibang tao. Mahiyaing tao din kasi ako, sa blog lang na ito ako naglalahad ng aking mga saloobin. Kaya minsan, naiisip ko na ding gumawa ng Plurk (mas cute kasi kesa sa Twitter yung mga design :P) pero ayos na ako sa blog na ito. Sayang naman ang tatlo't kalahating taon ko na pagiging may-ari nito at pagiging nag-iisang awtor dito.

Oo, mahirap ang magbago. Pero, madaming bagay ang mabilis magbago sa mundong ito. Ngunit, dapatwat, dapat makahanap din ako ng paraan para mabago ang aking sarili. Sa panahong nalalapit na ang UPCAT, ACET, at kung anu-ano pang mga CETs, sana makahanap ako ng tamang oras para baguhin ang aking sarili.

Sa totoo lang, magulo ang isip ko ngayon. Noong una, gusto kong mag-CompSci, tapos gusto ko ding mag-Engineering at mag-Medisina, tapos biglang nagbago at CompSci at Engineering na lang ang natira. Pero may biglang pumasok sa aking isipan na gusto ko ulit mag-Medisina. Matagal ko na 'tong naiisip, pero pabago-bago talaga ang utak ko eh. Magkakalapit sila, puro related sa Science, pero mahirap. >.> Kasi naman. Yun. Mahirap. :))

Tatlong kurso lang naman talaga ang pinagpipilian ko: Computer Science, Civil Engineering, at Pre-Med Course (MedTech o kung ano pa man yun). Di ko pa rin sigurado kung ano talaga ang kursong kukunin ko. Hindi naman bahala si God ang gusto kong sabihin, pero kung ano man ang mapasa ko at kukunin ko, basta't maka-graduate at makahanap ng trabaho, salamat na lang kay God dahil dun. Yun lang naman ang importante, diba? Magbago't grumaduate.

Labels: ,