Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
Alam ko na matagal mo na akong "sinasabihan" na mag-post ng isang pangyayari dito. Pero sa totoo lang, hindi ko siya magawa. Hindi ko magawa kasi nakakatamad, nakakaantok, at...nakakatamad (inulit ko lang. :P).
Hindi ko din magawa kasi nahihiya ako. Nahihiya? Bakit? Nahihiya kasi parang nawawala na ang gana kong maglahad ng saloobin ko. Sa dinami-dami ng problema o rason na maiibigay ko sa iyo, 'yun lang ang aking sagot.
Ilang araw bago nito, "pinaramdam" ng adviser slash Mathematics teacher namin ang magiging marka namin sa unang bahagi ng school year. Sa totoo lang, todo yung pagbigay niya ng "pasakit" sa amin eh. O siguro hindi naman lahat kami, pero karamihan sa amin, naramdaman iyon. Pasakit kasi masyado niyang ipinapakita na mababa kami sa unang bahagi. Oo, isa ako sa mga mababa...bagsak sa totoo lang. Nahihirapan akong intindihan siya. Minsan, madali siyang intindihin, minsan naman masyado siya mabilis at minsan din naman, nakakalito ang mga tinuturo niya. Sa totoo lang, dapat hindi ko ito sinasabi dahil nahihiya akong sabihing bagsak ako sa Math ngayong 4th Year na ako. Kaya nung sinabi ko ito sa aking nanay, bigla na lang bumuhos ang aking mga luha at inilahad ko sa kanya na gustong kong magpa-tutor. Hindi sa !@#$ na gurong iyon kundi sa iba o kakilala niyang makakatulong sa akin. Ilang minuto ang nakalipas nang kami ay nasa isang tutorial center na. Sa mababang lebel ako nagsisimula ngayon, at may additional tutorial ng mga kasalukuyang tinuturo sa amin.
Minsan lang akong magsabi ng masama tungkol sa guro ko. Dahil, ayoko talagang sabihin na hindi sila "karapat-dapat" na nagtuturo sa amin o sa akin. Ayoko ding magsabi ng masama dahil baka bigyan pa ako ng mas malalang marka sa susunod. Kaya nga nagpapa-tutorial ako, hindi ba? Para matuto ng mas maayos at para na rin makakuha ng mas mataas na marka.
Sa ngayon, lumuluha ang langit. Lumuluha siguro kasi karamay niya ako sa nadadama ko ngayon. Pero alam ko, na may tatlo pa akong pagkakataon, para ituwid ang aking sarili at para makaakyat ako sa entablado at para makuha ang aking kauna-unahang tropeyo sa High School - ang diploma.
Salamat muli Blog sa walang tigil na pagpapagaan ng aking damdamin, kahit na ganito, susulatan pa rin kita. Magulo lang kasi ang amo mo eh. :P
Ang Bayaning Torpe. Teka, parang ang layo ng kahulugan ng Tagalog na bersyon sa akin nito ah :))