profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
August 1, 2009
Sunday, August 02, 2009 @ 1:24 PM
Inspired by Ate Igal's My UPCAT Story.

Sa totoo lang, pangatlong bersyon na ito ng UPCAT story ko. Wala kasi ako sa mood, pero gusto ko talagang ipakita sa inyo kung ano ang nangyari sa test ko. Wala lang, bakit, gusto ko eh. :))

Kahapon, Ika-1 ng Agosto, ay ang araw ng UPCAT ko. Panghapon na sesyon. Hindi siya mainit dahil nga umuulan (na nakairita din sa akin dahil malakas at maingay ang mga patak nito). Bago magsimula, sa harap ng NCPAG kami tumayo at naghintay ni Mama. Isang oras ang lumipas nang magsalita ang isang UPCAT Security (kung ano man ang talagang tawag sa posisyon niya). Yun nga lang, hindi naintindihan ang kanyang sinasabi dahil paputol-putol ang pananalita niya. Pano ba naman, gumamit pa siya ng megaphone na sira at luma (kaawa-awang UP). Pwede naman kasing gamitin na lang ang kanyang boses, diba? So, ayun na nga, dahil walang ibang paraan, ginamit na lang niya ang boses niya. Nakalimutan ko na kung ano yung sinabi niya basta't maya-maya na lang eh nakapila na kaming mga examinees ng maayos. Pinahintay pa nila ulit kami ng 30 minuto bago kami maka-upo sa silid-aralan.

Sa wakas, dumating na din ang oras ng pakay ko sa araw na iyon, ang UPCAT. Matagal-tagal nga pala muna bago magsimula ang mismong test dahil binigay muna ang mga test instruction. Sa totoo lang, hindi ako masyado nakinig at sinagutan na lamang ang information page (?).

Ang unang bahagi ng exam ay ang Language Comprehension. Madali siya, pero nalito ako sapagkat under time pressure kami. Kaya't ang mga naiwan kong blanko, eh kung anu-ano na lang ang initiman ko na oblong pagkatapos. Sumunod ay Science na sobrang nakakalito. Sa totoo lang, ang ibang tanong, hindi naibigay sa amin nung Second Year sa Biology. Tapos, yung mga inaral ko bago mag-UPCAT (hindi yung sa review), wala din dun. Sayang naman ang effort ko sa pagkaka-memorize ng mga tao sa Biology. Tsk. Pangatlo ay ang Mathematics na kusa ko na lang inanalyze ang mga tanong. Tapos, yung inaakala ko na nasa UPCAT na mga tanong, wala! Kaya nabwisit ako. At ang panghuli, Reading Comprehension. Hindi naman ako masyado nahirapan kasi nga, reading lang naman at 'yon. :))

Kung mapalad na makapasa, talagang destino ko'y sa UP. Pero kung hindi, alam kong madami pang pagkakataon na ibibigay ng Diyos sa akin. At kahit na din hindi makapasa, alam ko, ang UPCAT ay isang pagkakataon lamang sa buong buhay ko. Kahit na test lang yun, napakalaking bagay na din na ako'y nag-"try" sa Unibersidad ng Pilipinas.

Labels: