profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Ano na ang aking susunod na kapalaran?
Friday, August 21, 2009 @ 5:58 PM
Sa totoo lang, hindi ko lubos na maramdaman na magugustuhan ko ang adviser ngayon. Hindi ba nga't nabanggit ko sa post ko noong nakaraan, "hindi ko siya gusto".

Sino ba siya? Adviser ko nga eh. Ayoko ng sabihin kung ano ang ngalan niya at kung ano ang katauhan niya. Siguro konting deskripsyon na lang: kulot siya, may braces, at maaaring mahilig sa green (halata kasi eh >.>). Matagal ko na siyang kilala, yun nga lang, sa pangalan at mukha lang. Nakilala ko dahil adviser siya ng Ate ng best friend ko noong 2nd Year. Matagal ko na ding napapansin na mataray siya at parang hindi ko siya magugustuhan bilang guro. Pinangarap ko pa nga na hindi ko siya magiging guro eh, sa totoo lang, hindi ko siya ninais bilang adviser at Math teacher ko sa huling taon ko sa PCC.

Sa hindi nga lang inaasahang pangyayari, siya ang naging adviser ko. Ay, aba, 3rd section ba naman ako nilagay ni Sir Soria eh. Ang pangatlong section ng buong Fourth Year na parang hindi naman talaga pangatlo. Noong una, medyo maayos naman ang turing ko sa kanya, pero nandun pa rin yung "hate" ko sa kanya simula noong hindi ko pa siya guro. Pero pagkatapos ng eksam, naramdaman ko na talaga ang nararamdaman ko ngayon. Na ayoko talaga sa kanya. Ipa-compute ba naman sa amin ang aming mga marka at parang ikinahihiya pa niya ang mga mababa noong palitan niya ang aming seating arrangements. Oo na, sabihin na lang natin na gusto niya kaming sabihan, pero, parang hindi naman kami sinasabihan eh. Pinapagalitan kami. Kasalanan ba naming hindi namin siya naiintindihan dahil mabilis siyang magturo at parang galit pa siya minsan. Kasalanan ba naming mga mahihina na mahina ang aming mga utak sa Math na sa simula't simula pa lamang ayoko na (except sa Geometry). At kasalan ba namin ang mga nararamdaman niya sa buhay niya.

Labels: ,