profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Pagsusulat.
Saturday, July 18, 2009 @ 2:49 PM
Ang Ikalawang Serye, Pagsusulat.

Sa wakas, nakahanap na din ako ng maikling panahon upang i-update ang nagmamakaawang blog na ito.

Mga tatlong taon mahigit na akong nag-bloblog. Kahit na sabihin na nating tatlong taon, alam kong merong mga pagkakataon na hindi ko ito pinapansin. Yung hindi ko siya nai-update ng isang buwan o higit pa. Pero, hanggang ngayon, buhay pa naman ang blog ko. Dahil, nandito lahat, o halos lahat, ng gusto kong ilagay. Katulad na lamang ng mga bagay na hindi ko dapat kalimutan at ang aking mga emosyon sa partikular na bagay o panahon.

Hindi ko din matandaan kung bakit ba ako nagsimulang mag-blog. Ang alam ko lang, noong mga panahon na iyon, biglang na-uso ang mga "blog" sa mga KHQers. Kahit na hindi lahat meron, basta, madaming merong blog noon. At dahil dun, ginusto ko na ding magkaroon. Yung unang blog post ko ay tungkol sa pagka-alis ng Daddy ko papuntang Saudi dahil natapos na ang bakasyon na dito. O diba, tatlong taon na 'yun pero naaalala ko pa. At siguro na ginusto kong magkaroon para mapasaya naman ako, mabasa ang mga nakaraan at ihaintulad sa kasalukuyan. Parang ganun lang naman.

Sa ngayon, binabasa ko ang Unang Ulan ng Mayo ni Ellen Sicat. At dahil hindi ko pa siya natatapos (isang linggo ko na siyang nabili pero nasa page 60 pa lang ako :P), ang naiintindihan ko pa lang eh mahilig magsulat ang nag-nanarrate ng kwento. Hanggang ngayon, konti pa lang ang naiintindihan ko sa kwento, pero sana maintindihan ko siya pagkatapos. Ay, aba, dapat lang talaga, dahil project namin yun sa Filipino. Ang magbasa ng nobela at i-buod siya (sabihin mo ng grabe ang school namin, GRABE TALAGA SILA XD). At dahil sa kwentong iyon, naisip ko na pagsusulat ang tema ng post na ito. Hindi lamang dahil mahilig akong magsulat ng mga kwento kundi dahil ito din naman ang ginagawa ko ngayon sa blog na ito, ang "magsulat" ng karanasan. Teka, parehas lang ata 'yun ah. :))

Labels: