profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Pagbabago.
Friday, July 10, 2009 @ 4:09 PM
Bago magsimula ang Buwan ng Wika, plinano kong gumawa ng serye ng mga blog post na may pagkakatulad dito. Kung ano man yung pagkakatulad na iyon, wag ko na lang muna sasabihin :))

Sisimulan ko muna ang serye na ito sa salitang Pagbabago o sa madaling salita BAGO.

PAGBABAGO. Sabi nga nila, ang pagbabago ay nagsisimula sa tao mismo at hindi sa lipunan. Sa totoo lang, napakahirap simulan ang pagbabago sa sarili. Gaya ko, nahihirapan akong baguhin ang aking sarili tungo sa asignaturang Matematiks dahil pakiramdam ko, hindi ako nadadalian sa mga binibigay na lektyur sa amin ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero talagang mahirap. Noong Huwebes (wala kaming pasok kahapon - Personnel's Day), may binigay na takdang aralin sa amin pero hanggang sa ngayon, wala akong ganang sagutin ito. Bakit? Simple, nawawalan ako ng gana kapag sinasagutan ko siya. Kanina nga, gusto kong gawin at tapusin, pero nung ginagawa ko na siya, nawawala ang pokus at nawawala din ang gana ko para gawin ito.

Sa totoo lang, gusto ko sanang humingi ng payo sa aking adviser na ngayo'y Math teacher ko din. Pero, may bagay na nagpipilit sa akin na hindi ko dapat iyon gawin. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talagang makipag-usap sa kanya. Siguro sa tagong pakiki-usap o kung ano mang paraan na hindi ako makikipag-usap sa kanya ng harapan. Kung ano man yung paraan na iyon, sana, sana man lang, magawa ko.

At dahil sa problema ko sa Matematiks at sa pakikipag-usap sa aking guro, nais ko sanang magbago. Hindi lang sa pag-aaral kundi sa pakikitungo sa ibang tao. Mahiyaing tao din kasi ako, sa blog lang na ito ako naglalahad ng aking mga saloobin. Kaya minsan, naiisip ko na ding gumawa ng Plurk (mas cute kasi kesa sa Twitter yung mga design :P) pero ayos na ako sa blog na ito. Sayang naman ang tatlo't kalahating taon ko na pagiging may-ari nito at pagiging nag-iisang awtor dito.

Oo, mahirap ang magbago. Pero, madaming bagay ang mabilis magbago sa mundong ito. Ngunit, dapatwat, dapat makahanap din ako ng paraan para mabago ang aking sarili. Sa panahong nalalapit na ang UPCAT, ACET, at kung anu-ano pang mga CETs, sana makahanap ako ng tamang oras para baguhin ang aking sarili.

Sa totoo lang, magulo ang isip ko ngayon. Noong una, gusto kong mag-CompSci, tapos gusto ko ding mag-Engineering at mag-Medisina, tapos biglang nagbago at CompSci at Engineering na lang ang natira. Pero may biglang pumasok sa aking isipan na gusto ko ulit mag-Medisina. Matagal ko na 'tong naiisip, pero pabago-bago talaga ang utak ko eh. Magkakalapit sila, puro related sa Science, pero mahirap. >.> Kasi naman. Yun. Mahirap. :))

Tatlong kurso lang naman talaga ang pinagpipilian ko: Computer Science, Civil Engineering, at Pre-Med Course (MedTech o kung ano pa man yun). Di ko pa rin sigurado kung ano talaga ang kursong kukunin ko. Hindi naman bahala si God ang gusto kong sabihin, pero kung ano man ang mapasa ko at kukunin ko, basta't maka-graduate at makahanap ng trabaho, salamat na lang kay God dahil dun. Yun lang naman ang importante, diba? Magbago't grumaduate.

Labels: ,