Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
Kahapon, pagkatapos na pagkatapos ng NCAE Review sa aking paaralan na Pasig Catholic College, ako at ang aking ina ay pumunta ng UP Diliman upang makita kung saan ako kukuha ng UPCAT.
Masaya, syempre, at nakatapak na din ako sa pinakapopular na unibersidad sa Pilipinas. Kahit na alam kong nakakadaan na kami doon dati, ni hindi ako nakababa at nakatapak man lang sa kahit na isang semento sa UP. Noong una, kinakabahan ako kasi baka maligaw at dumoble pa ang bayad namin sa taksi sa kakahanap kung nasaan ang NCPAG (ang lugar kung saan ako magte-test). Pero, diretso lang pala sa University Avenue at kakaliwa lang sa gitna ng daan na 'yun, nandun na pala ang testing site ko. Ng marating ko 'yun, gusto ko sanang tignan ang loob ng building. Pero, di ko ata na-kaya ang kaba kaya diretso na lang kami ni Mama sa harap ng Quezon Hall na nilakad pa namin ng kaunti.
Nang marating na namin ang Oblation, sa wakas, may litrato na rin ako na kasama ang lalaking nakahubad. Feeling ko tuloy, sa pagkakataong iyon, na parang sa UP na din ako nag-aaral (kahit alam kong Ateneo ang mas gusto ko, gusto ko pa ring makapasa doon :P).
Sa pagkakataong din iyon, nasabi ko sa sarili ko na kaya kong ipasa ang UPCAT. Kahit alam kong nababanas pa rin ako sa Mathematics at mahina pa rin akong mag-solve ng Algebra, Statistics, at konting Trigonometry, alam ko na kahit paano, malalagpasan ko ang mga problemang ito. Basta't SANA LANG, kahit isang araw man lang, walang assignment na ibibigay sa amin at ako'y makakapag-review ng maayos at ng may sense na pag-aaral.