profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
Para sa Araw ng Kalayaan, 2009
Friday, June 12, 2009 @ 5:01 PM
Una sa lahat, Maligayang Araw ng Kalayaan muna para sa lahat ng Pilipino sa buong bansa o sa buong mundo.

Hindi ko alam kung bakit ako'y magsasabi tungkol sa Kalayaan. Sa totoo lang, minsan nga, hindi ko ramdam ang araw na ganito. Pero, heto ako ngayon (basang-basa sa ulan. HEH.), gustong magsabi tungkol sa kalayaan.

Ang kalayaan, para sa akin, hindi lang siya gusto. Ito'y pangarap, mithiin, at maaring nais nating abutin. Pero, matagal na, noong ika-12 ng Hunyo, 1898 para sa panahon ng Espanyol, nangyari ang ginusto nating mga Pilipino noon. Ang makalaya sa 333 taong paghihigpit ng mga Kastila. Ika-4 ng Hulyo, 1946, ito naman ang tunay na panahon kung saan tayo nakalaya bilang isang tunay bansa.

Ngunit ngayon, hindi na natin naiisip na tayo'y malaya. May gulo dito, may gulo doon. Kapagka may gusto ang gobyerno, hindi natin ito susuportahan o magugustuhan. Hindi ko alam pero minsan, ayoko na talagang makinig sa mga tao o maging sa gobyerno. Minsan nga din, kapagka tungkol sa gobyerno ang balita, hindi ko na ito pinapansin. Mas gugustuhin ko pa siguro kung tungkol sa A(H1N1) at iba pa. Sabihin mo ng: Baliw! Dapat may paki-alam ka kasi Pilipino ka!

Kaya nga ginagawa ko 'tong post eh, kasi kahit paano, may paki-alam pa ako sa Pilipinas. Sabihin na nating madaming naghihirap, madaming nabibiwset, at madaming naaasar. Wala tayong magagawa. Buti nga buhay pa tayo, gusto pa ng Diyos na madami pa tayong magawa para sa sarili natin at para sa bayan. Dapat nga talaga unahin muna natin ang mga sarili natin, at pagkatapos para sa Pilipinas.

Madami pang paraan para sabihin natin na tayo ay mga Pilipino. Madami pa ding paraan para baguhin natin ang ating mga sarili para sa kapakanan ng ating bansa. Pero sana, wag nating kakalimutan na tayo lang ang nagpapagalaw sa ating mga sarili. Bigyan natin ng pagkakataon ang Diyos ang magdesisyon para sa mga mangyayari sa atin.

---

Anyway, update on the UPCAT Form:

UP Campuses:
UPLB - CompSci and Civil Eng
UPB - CompSci only

Must be submitted in the HS Office first for the Principal page or whatever, then after it, submit it straight to the Guidance Office before June 23.

---

THEN, NCAE REVIEW! DDD;

Labels: , , ,