profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
:(
Sunday, May 31, 2009 @ 9:29 PM
Sa hindi ko alam na mga rason, nagalit ako sa best friend ko.

Siguro dahil nasa "verge" pa lang ako ng pag-alis ko sa KHQ. Psh. Oo na, punta ako ng punta kanina gamit yung isa ko pang account :)) Di ko matigilan yung sarili ko eh.

First. Naasar ako sa kanya kasi hindi daw siya Christian. Katoliko kasi siya. (At ako.) Ano? Halos parehas lang kaya sila. Sige na nga, sabihin na nating hindi. Pero, hindi halos hindi naman eh. :l

Second. Sinabi din niya na "Maka-Diyos" ako. Tsk. Bakit? Hindi ba siya maka-Diyos? Sasabihin niyang Katoliko siya tapos sasabihin niya 'yun. Ewan ko. People these days >_>

Third. Nag-p0h siya! It was like hell. :l Naramdam ko ulit yung aking damdamin nung paalis pa lang ako sa KHQ. At dahil dun, minura ko siya. :((

Nadama ko din, na parang magkaibang tao na kaming dalawa. O siguro kasi hindi na kami nagkikita kaya ganun. Nadama ko din na parang nag-iiba na siya, o kasi magka-iba lang talaga kami ng mga iniisip.

Sorry best friend kung hindi ako nagpaaalam na i-popost ko 'to :)) Hindi ko lang matigilan ang sarili ko. Sorry din kung nasabihan kita ng masama o hindi kita lubos na naunawaan. Pagpaumanhin mo na lang, ha.

---

Konting updates naman sa akin :))

Sinisipon at inuubo ako ngayon. Bwiset talaga. Stress siguro o ewan. Tapos, tinulungan ko yung pinsan ko na magkaroon ng mga notebooks :D - Yun nga lang, recycled. Pero, ayos lang. Nakatulong ako sa kanya, at the same time, nakatulong kami kay Mother Earth!

---

Yan lang siguro. Tinatamad akong mag-English. Para panalo, Tagalog naman :))

Labels: , ,