profile.
Rfl Cstllo. Add some vowels to get my name right. I live somewhere in Manila but I study somewhere in the Cordillera. I used to blog everyday, but there's just a lot of other things that keeps me busy these days.
my friends.
Igal Patchi Jinn
contact.
Twitter
credits.
by lostcase.
colors are from colourlovers.
script from challenge.
PCCian? Ano Yun?
Tuesday, April 07, 2009 @ 7:20 PM
Current Mood: Tired.
Current Music: I Miss You - Incubus. Waw. For the 4th time. LOLOLOLOLOLOLOLOL.

A few days ago, I found a blog that has the same layout as mine. YES, the same layout as mine. I'll probably change the layout - gr - sometime this week or probably LATER.

Anyway, going on the topic.

WARNING: This post will be in full (or more in) Filipino. Tnx.

Ang rebyu para sa mga eksam sa kolehiyo (CET Review Classes) ay nagsimula noong Lunes, ika-6 ng Abril, 2009. Una, kinabahan ako't hindi umimik masyado. Ang unang klase namin ay Matematika (Mathematics). Malamang, nagdugo ang utak ko at nalito ng husto. Biruin mo ba naman, isang buong umaga, mga naka-10 lesson na kaagad kami na ang pakiramdam ko sa aming eskwelahan ay aabot siguro ng isang linggo o mas higit pa duon. Pasalamat din at pagkatapos ng recess namin ay may mga nagpakilalang mga nilalang sa akin, sina Daniel at Kevin. Oo na, mga lalaki, pero, anong paki mo, eh sila yung nauna. Ng mag-hapon na, Ingles naman ang klase namin. Ayos lang naman, nahirapan din dahil nakakalito yung Synonyms at Antonyms. Yung ibang salita nga eh, duon ko lang unang nakita o nalaman.

Kabuuan, nakakatuwa din naman ang rebyu. Hindi naman kasi positibo ako magsalita pero ewan. Kahit alam kong konti pa lang ang kilala ko (oo, kasi 35+ kami D:), alam kong maaring dumami pa.

--- REAL TOPIC ---

PCCian? Ano yun?

Magtatanong muna ako, alam mo ba kung ano ang isang Atenista? La Sallista? Thomasian? Iskolar ng Bayan? Sus. Kung hindi mo alam, tiyak na hindi ka sa Pilipinas nakatira - obviously, dahil kilalang kilala ang mga unibersidad na ito. Atenista = Ateneo. La Sallista = La Salle. Thomasian = UST. Iskolar ng Bayan = UP.

Paano kung tanungin ko kung ano ang PCCian sa 'yo? Oo na, alam kong hindi mo alam. PCCian? ANO YUN?

Una sa lahat, oo na, aaminin kong maari akong proud masyado sa aking eskwelahan.

*takes a deep breath*

*says it proud*

PASIG CATHOLIC COLLEGE.

PCC.


Kaya nga PCCian eh, kasi galing sa mga unang letra ng bawat salita = PCC.

Ang Pasig Catholic College, ay obviously na nakatayo sa lungsod ng Pasig, na ilang dekada na ang nakalipas. Mga 9 lang naman. Apat na taon na lang, 10 na. Opo. Mas matanda pa kami sa ilang kilalang eskwelahan pero kami - halos nagpapaka-ewan.

Naasar ako nung tinanong ng isang kaklase ko sa rebyu noong sinabi ko ang eskwelahan ko. Sabi niya, "Saan 'yun?". Hallo, are you darr? (kasi parang San Benildo ata ang school niya - o diba, alam ko ang school niya, sa akin hindi, at mas matanda pa ang school ko sa kanya xD), may clue na nga eh = PASIG. Madami na ding nalito sa aking eskwelahan. Kahit ang mga taga-Makati eh hindi alam kung ano ang PCC. Pasig Catholic School? Okay, oo, pero dating pangalan niya iyon. Pasig Catholic Cemetery? Ay asus, ewan. Pasig...ek? ek? Wtvr.

Okay na din sana eh, kilala kami sa Pasig (kahit talagang wala ng posters at kung ano-ano pa, may mag-eenroll no matter what!) at siguro sa ibang nalalapit nitong lalawigan gaya ng Pateros at siguro, Taguig. Kaya lang, konti pa 'yun. Paano kaya kung nag-Centennial na tayo? Hindi pa rin kilala. How sad pero siguro ganun na nga. Kahit na nga siguro yung We Are! Concert eh wa-epek eh, pero ayos lang siguro 'yun. Nakilala naman ang We Are! T-Shirt eh. Kahit si Manong Tricycle Driver, Manong Jeepney Driver at kahit si Manong FX Driver eh nagsusuot nito. Totoo, meron akong nakikitang mga naka-We Are na pakalat-kalat lang. Kahit nga sa isang palabas sa TV eh may naka-We Are! Kung napanood siguro ni Monsi yun, tuwang-tuwa na siguro siya. Haha.

PCC. PCC. PCC. Tatak na tatak ang pangalan sa Pasig. Pero, ang iba, wala lang. Wala ngang paki ang iba sa amin eh. Diba nga, kakasabi ko lang, wala silang alam tungkol sa amin.

Aaminin ko, hindi lahat kami eh PROUD to be PCCians. Pero, Ngunit, Datapwat, hindi mawawala sa isipan ng mga PCCians eh naging PCCians sila. Diba? Kaya, wtvr happens, sana sabihin niyo naman ang school niyo sa iba. Yung buo. School ko? PASIG CATHOLIC COLLEGE lang naman :D

Be proud. Say it proud. PASIG CATHOLIC COLLEGE.

To all PCCians: Sana po maging "conservative" naman kayo. Kung itatanong kung ano ang school niyo, sana yung buo para at least kahit paano, may idea na sila. LOL.

Labels: ,